Thursday, May 29, 2008

TIM ESPINOSA HOMECOMING to the ASAP 08 Stage!




ABS-CBN Star Magic 16th anniversary


Sa pagdiriwang ng kanyang 16th year, matinding star-studded extravaganza sa ASAP 08 ang magbubukas ng engrandeng anniversary ce-lebration ng ABS-CBN Star Magic sa May 25 at June 1.



Naghahanda na ang mga artista ng Star Magic para sa mga kakaibang production numbers sa ASAP 08 na ti-yak na magpapakitang kani-lang ganda at galing. Pangungunahan nina Piolo Pascual at Claudine Bar-retto ang inyong mga paboritong artista tulad ng mga Star Magic Jewels (Tim Espinosa), Heartthrobs, Cover Boys, Koolchx, As-tigs at loveteams.



Mapapanood din ang mga artista ng Star magic na mga produkto ng mga sikat na re-ality shows ng ABS-CBN tulad ng Pinoy Big Brother (mula sa dalawang editions at mga Teens), White Castle, Be Bench, Del Monte’s Got 2 B Fit Challenge at Pinoy Dream Academy at marami pang iba!



Sa June 29, muling bababa ang mga bituin mula sa kalangitan sa 2nd Star Magic Grand Ball na gaganapin sa EDSA Shangri la Hotel. Matapos ang matagumpay na ball noong August nang nakaraang taon, mu-ling magtitipon ang pamilya ng Star Magic na ubod ng guguwapo at gaganda sa ka-ni-kanilang tuxedo at long gowns para isang gabi ng ma-sarap na pagkain, sayawan at kantahan.



Marami pang kaabang-abang na mangyayari mula sa Star Magic ngayong taon na ito.



Nariyan ang Batch 16, mga bagong mukha na ipapakilala sa 3rd quarter ng 2008, marami pang concerts at isang mala-king charity event ang nasa plano.



Inuumpisahan na rin ang pinakabagong Star Magic catalogue na nasa newsstands by October 2008.



Malayo na talaga ang na-rarating ng Star Magic mula ng simulan ito ng dating ABS-CBN President and Chief Operating Officer na si Freddie Garcia at Johnny Mana-han para magkaroon ng ex-clusive talents ang ABS-CBN. 1992 ang masasabing ma-gical year nang pasimulan ng ABS-CBN Talent Management and Development Center.



October noong taon ding ‘yun inilunsad ang show na Ang TV, ang hit afternoon show na pinagmulan ng maraming mall shows, live concerts at record albums.



Sa nasabing show din nakilala ang mga batang Claudine Barretto, Angelica Panganiban, Rica Peralejo, Kaye Abad, John Prats, Angelu de Leon, Victor Neri at marami pang iba.



November 1995 naman ini-launch ang Star Circle Batch 1 na pinangunahan ng namayapang ma-appeal at magaling na aktor na si Ri-co Yan.



16 years … 16 batches of stars … tiyak, nariyan pa rin ang ABS-CBN Star Magic sa mga susunod pang 16 years, at sabi nga: “The ma-gic ever continuous!”

_______________________________________


WELCOME BACK, IDOL! WE MISSED YOU, TIM!

No comments: