NGAYONG gabi na ang si-mula ng Patayin sa Sindak si Barbara na talagangaabangan at magiging bahagi ng araw-araw na pano-nood! Ito ang unang installment ng ABS-CBN’s Sine-serye Presents: The Susan Roces Cinema Collection – Patayin sa Sindak si Barbara. Bilang daily horror te-leserye sa Primetime Bida ng ABS-CBN, tanging ang pinakamagagalinglang ang napiling maging parte ng programang ito. Pangungunahan ng star sa orihinal na bersyon ng pelikula noong taong 1974, ang queen of Philippine movies na si Susan Roces ay muling mapapanood sa horror story na ito bilang Amanda. As veteran actres sa industriya, naipakita na ni Susan Roces ang kanyang galing sa pag-arte kung saan nakatanggap siya ng dalawang parangal bilang Best Actress at marami pang iba. Sasamahan siya ng nag-iisang si Kris Aquino, ang box-office horror queen at queen of horror movies, kung saan gagampanan ni-ya si Barbara, ang anak ni Susan.Kasama nila ang be-teranong aktor na si Albert Martinez bilang Fritz, sala-wahang asawa ni Ruth at dalawang dekada na sa sining ng pag-arte. Ang iba pang kasama sa cast ay ang multi-talen-ted actress na si Jodi San-tamaria-Lacson, bilang Ruth na, nang mamatay, ang kaluluwa ay patuloy na naghihiganti sa mga ka-galit niya lalung-lalo na ki-na Frizt at Barbara. Ang promising actress na si Ma-ja Salvador (as Agnes na kapatid ni Fritz) ang magi-ging partner ni Jay-R Sia-boc (as Dale). Ipinakikilala rin ang manikang si Chelsea kung saan sumasanib ang espi-ritu ni Ruth. Ito ang ma-ituturing na pinakaba-gong horror icon ngayon. Kasama rin sa teleserye ang kilalang komed-yante na si Kitkat, betera-nang aktres Eva Darren, Star Magic Talent Tim Espinosa at teen hunk actor na si Joem Bascon. Isang nakakikilabot na teleserye ang magsisimula na sa Primetime Bida ng ABS-CBN ngayong Jan. 7. Sa direksyon ito nina Gilbert Perez at Jerry Sineneng.
People's Taliba
____________________________
No comments:
Post a Comment