Monday, August 13, 2007

Tim Espinosa and Gem Ramos at the 1st Annual Star Magic Ball


Dressed in strictly formal attire, hundreds of contract artists of Star Magic, ABS-CBN's talent arm, gathered for one magical evening on the first-ever Star Magic Ball. The event was held last August 5 at the Grand Ballroom of Hotel Intercontinental in Makati City.

Nagkislapan ang mga bituin sa Grand Ballroom ng Hotel Intercontinental sa Makati kagabi, August 5, sa pagdating ng ilan sa pinakamaningning na mga bituin sa industriya sa kauna-unahang Grand Ball ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN, kaugnay ng pagdiriwang ng kanilang 15th anniversary.Talents of Star Magic came with their fabulous outfits, and almost all the guests followed the formal-attire dress code, which added glamor and class to the red-carpet affair.


As early as six in the evening, isa-isa nang nagdatingan ang mga artista ng ABS-CBN. Ilan sa pinakamaagang dumating ay ang mga male members ng Star Circle Batch 15 like Christopher Gutierrez, Mikee Lee, AJ Perez, Jordan Aguilar, at Angelo Patrimonio.


Nag-stay muna sa lobby ng second floor ng Intercontinental Manila ang mga celebrities and other guests for the cocktails.


Ang mga pairs—not necessarily romantically linked—na namataan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ay sina Sam Milby and Anne Curtis; Diether Ocampo and Kristine Hermosa; Jake Cuenca and Roxanne Guinoo; AJ Dee and Gemma Fitzgerald (Pinoy Dream Academy), Rafael Rosell and his non-showbiz girlfriend; Gerald Anderson and Kim Chiu; Matt Evans and Melissa Ricks; Bruce Quebral and Wendy Valdez; Angel Aquino and Lui Villaruz; and Piolo Pascual and Rica Peralejo.


Piolo arrived at his handsomest wearing a black Hugo Boss outfit. Nauna lang sa kanya ng ilang minuto na rumampa sa red carpet ang nali-link sa kanya na si Rica.


Sabay na pumasok ng Grand Ballroom ang Pinoy Big Brother housemates na sina Bea Saw at Bodie Cruz, pero nakita rin naming sinundo ni Bodie sa labas ang medyo na-late na si Gee-Ann Abrahan. Kasama naman ni Albert Martinez and mga anak niyang sina Alfonso at Alynna.


Ang dating taga-Kapuso Network na si Megan Young ay kasama ang younger sister niyang si Lauren Young. Sabay rin dumating ang magkaibigang Iya Villania at Nikki Gil.
Ang ilan pang celebrities na nakita ng PEP sa affair bukod sa Star Magic talents ay sina directors Olivia Lamasan, Rowell Santiago, Manny Castañeda, and Joey Reyes; Ryan Cayabyab; Becky Aguila; and Bench owner Ben Chan.


Nagsimula ang programa pagkatapos ng sumptuous dinner: chicken liver with green leaves, foccacia bruschetta, and extra virgin oil for appetizer; cream of vegetables and Julienne of Luck soup; grilled tanguingue spiced with cajun mix, calamansi vegetables, ang polenta mais for main course; and native chocolate pot de crème with buco ice cream for dessert.


Ang Wowowee host na si Wilie Revillame ang nag-welcome sa mga dumalo at siya ring nag-introduce sa Star Magic Heartthrobs: Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Diether Ocampo, and Sam Milby. Unang kumanta si Piolo and after his solo number ay isa-isang pumunta sa gitna ng ballroom sina Diether, Sam, at John Lloyd singing old love songs. Wala namang pakialam ang naka-violet gown na si Kristine Hermosa sa pagkuha ng pictures kay Diet habang kumakanta.
Ang apat na heartthrobs ang naghalinhinang nag-host ng programa, kasama si Pokwang.
After their number, lumabas ang komedyanteng si Pokwang na nag-Shakira sing-and-lookalike. May patong pang chandelier sa ulo ni Pokwang at doon niya pinatay ang sindi ng mga kandila nito. Nag-standup comedy rin ang komedyana tungkol sa kanyang pagiging Star Magic talent.


Sinundan ito ng rock number nina Michael Manahan at Gian Sotto.


Nag-ballroom dancing naman sina Bea Alonzo, John Prats, Maja Salvador, Rayver Cruz, Victor Basa, Gem Ramos, Tim Espinosa, at Gemma Fitzgerald. Live na kumanta ng “Come Away With Me” sa unang bahagi si Nikki Gil.


Pagkatapos nito ay in-announce na ang winners ng “Stardust Awards” para sa best-dressed and best-looking people that night. May dalawa itong categories, junior and senior. Nanalo sa junior category sina Zanjoe Marudo at Anne Curtis, samantalang sina Senator Mar Roxas at Korina Sanchez naman sa senior category.


Super smile si Mariel Rodriguez sa kanyang kinauupuan at palakpak nang palakpak habang tinatanggap ni Zanjoe ang kanyang award. Si Anne naman ay katabi the whole night sina Rica at Sam.


Pagkatapos nito ay ibinigay ng Star Magic head na si Johnny “Mr. M” Manahan ang collective donation ng mga artista ng Star Magic para sa KIDS Foundation ni Diether na umabot sa kalahating milyong piso. Again, picture nang picture si Kristine kay Diet sa gitna ng ballroom.
Binigyan din ng parangal ng Star Magic ang tatlong haligi ng ABS-CBN na tinawag nilang Galaxy Awards. Una ay ang dating president at COO ng Kapamilya Network na si Mr. Freddie M. Garcia, na ayon kay Mr. M ay siyang nag-conceptualize at nag-visualize ng Talent Center (dating pangalan ng Star Magic).


Ang pangalawang ginawaran ng Galaxy Award ay ang executive vice president na si Ms. Charo Santos-Concio, who made Talent Center come true. Sabi ni Mr. M, “Kung wala si Charo, mahirap mangyari ang lahat.”


Naging bulung-bulungan din sa grand ballroom ang balitang pagre-retire ni Ms. Charo. Sa umpisa pa lang kasi ng programa, binati ni Piolo si Ms. Charo at nagbiro ang heartthrob na ang gabing iyon ay para rin sa despedida ng lady boss ng ABS-CBN.


Mabuti na lang at nagkaroon ng chance ang PEP na makatsikahan ang senior vice-president for entertainment na si Ms. Cory Vidanes sa restroom at doon naming napag-alamang hindi totoo ang nababalitang pagre-retire ni Ms. Charo sa ABS-CBN.


Ang totoo’y nakatakdang umalis ngayong August 22 si Ms. Charo papuntang United States at kukuha siya ng degree on management sa Harvard University. Pero babalik din siya ng Pilipinas in November.


Last but not the least, ang pangtalong binigyan ng Galaxy Award ay ang CEO at chairman ng ABS-CBN na si Mr. Eugenio “Gabby” Lopez III, who incidentally was celebrating his birthday that day.


Si Martin Nievera ang nanguna sa pag-awit ng birthday song sa big boss and owner ng ABS-CBN. Pinangunahan nina Martin, Mr. M, at Bea Alonzo ang pagbibigay ng giant cake at toast para sa big boss ng Kapamilya Network.


Pagkatapos awitan ng birthday song si Mr. Lopez ay nagpaunlak ng ilang awitin si Martin.
Nagsayaw naman ang Star Magic talents at si Mr. M. mismo ng Rigodon de Honor. The event concluded with a disco party na umabot hanggang alas-dos ng madaling-araw.


Julie Bonifacio and Erwin Santiago

Philippine Entertainment Portal






No comments: